Giniit ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay special ambassador to China na si Teddy Locsin Jr na walang plano ang Pilipinas na makipaggiyera sa China.
Ayon pa sa opisyal na nasa matiwasay na ugnayan ang dalawang bansa.
Una na ring sinabi ni PH Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na hindi dapat maging option ang giyera para sa dalawang bansa sa gitna ng nagbabagong geopolitical landscapes sa rehiyon.
Wala din aniya may gusto na magkaroon ng malawakang gulo dahil disaster aniya ang magiging resulta nito sa buong mundo.
Pinabulaanan din ng PH envoy ang claims ng China na nagpapalala ng conflict sa rehiyon.
Aniya wala itong katotohanan dahil matagal na aniya ang ugnayan ng US at pilipinas sa bisa ng Mutual Defense Treaty mula noong 1951 , Visiting Forces Agreement na halos 20 taon na at enhanced Defense Cooperation agreement na napagkasunduan noong 2015.