Pagmamahal ng 29 anyos na boxing coach na si Josh Popper ang naging lunas sa karamdaman ng 65-anyos na American singer na si Madonna matapos mamataan sa Portugal na nagse-sexy dance bilang ehersisyo.
Ayon sa mga insiders, sobrang nabighani raw ang singer sa boxing coach at tinutulungan siya nito na makamit ang kanyang best shape sa kakaibang paraan.
“As a boxing coach and fitness pro he’s helping her keep in the best of shape. Their workouts are pretty sexy – if you know what I mean!”
Noong Hunyo, itinakbo sa ICU si Madonna matapos himatayin.
Dahil sa nasabing insidente, natakot ang kanyang pamilya at muntik pa i-postpone ang kanyang tour na magsisimula sa Oktubre.