Nagmatigas si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa kanyang kautusan na tanggalin ang mga visual aids sa mga silid-aralan
Ayon kay Duterte, palagay niya ay wala namang pakialam sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at ang lahat ng mga bayani kung magpo-focus ang mga mag-aaral sa kanilang mg guro, lessons, projects at mga assignments.
Giit ni Duterte, ang isang utos ay isang utos, kaya muli niyang sinabihan ang mga paaralan na alisin na ang anumang mga nakadikit sa mga pader at hayaang makapag-focus ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Ang utos na i-declutter ang mga silid-aralan ay inihayag matapos sabihin ni Duterte sa mga paaralan na tiyakin na ang mga silid-aralan ay “walang kalat” bago ang pagbubukas ng mga klase ngayong taon.