Aminado ang aktres na si Cristine Reyes na mas gusto niyang maging private kahit paano ang kanyang relasyon sa actor na si Marco Gumabao kaya naman tipid ang aktres sa pagbabahagi ng detalye tungkol sa kanilang relasyon.
Ayon kay Cristine, mas nais nila ng kanyang BF na huwag na munang ibahagi sa publiko kung anumang meron sila ngayon para iwas tsismis at intriga na rin at mas gusto nilang gawing “lowkey” lamang ang kanilang relationship dahil pareho nga silang public figure na palaging nahuhusgahan ng mga tao.
“I’m very happy right now. It’s something fresh. But I want it somehow to keep it low. Mas maganda yung chill lang. Ayoko na ‘yung masyadong pinag-uusapan. Of course, we all know about it pero hanggang du’n na lang muna siguro,” saad ni Cristine.
Sa isang panayam, sinabi naman ni Marco na ayaw niya munang magsabi ng mga labels.
“For me, labels put a lot of pressure on your relationship. Basta ako, kaming dalawa, happy kami,” saad ni Marco.
Samantala, dream come true para kay Cristine ang makagawa ng isang comedy film kasama ang napakagaling na komedyante na si Empoy Marquez na “Kidnap for Romance.”
“Yung buong pagkatao niya nakakatawa na, organic siya para sa akin. Actually, matagal na kaming magkakilala pero ngayon lang kami magtatambal sa movie kaya super exciting,” saad ni Cristine.
Ang “Kidnap for Romance” ay mula sa direksyon ni Victor Villanueva na siya ring gumawa ng “Patay na si Hesus” at “Boy Bastos” at mapapanood na sa mga sinehan sa September 6.