Aminado ang sexy actress na si Stephanie Raz na talagang nag-all-out na siya sa pagpapa-sexy sa pinakabagong offering ng Vivamax na “Kahalili” lalo pa at talagang naging mainit ang eksena nila ng co-star niyang si Millen Gal, na pinsan niya in real life.
Kapansin-pansin na talagang level-up na ang daringness ni Stephanie sa kanyang mga sexy scenes, kaya naman natanong ang dalaga kung may limitation pa siya sa kanyang sarili pagdating sa mga sizzling scenes.
“Sa akin po wala talaga. Tiwala lang po ako sa partner ko and kung sino ’yong makaka-eksena ko po,” sabi ni Stephani
Nausisa pa siya sa ginawa nilang “orgy scene” sa pelikula kung saan nga ay nagkaroon sila ng sexy encounter ni Millen na palaban din naman sa halikan at kapaan.
“Nu’ng una po daya pero parang nadala siya sa eksena. Ayon, nagawa [namin]. As in… Magpinsan naman po kami kaya okey naman po sa akin ’yon,” sabi ng dalaga.
Sinabi rin ni Stephanie na ito ang kanyang unang lead role sa pelikula kaya talagang itinodo na niya ang pagpapa-sexy.
“Siguro dahil sa tiwala ng lahat sa akin kaya nabigay ko po ’yong best ko dito. And it’s my first lead role po kaya binigay ko talaga ’yong best ko,” sabi ni Stephanie.
Nakaalalay naman daw sa kanya ang direktor nilang si Direk Bobby Bonifacio, Jr. habang ginagawa nila ang mga challenging scenes.
“Ayon, sabi, wag daw po ako matakot kasi takot talaga ako kay Direk Bobby una pa lang. Dahil sa kapatid ko ’yan,” sabi ng dalaga.
Naging direktor din kasi si Direk Bobby ng sister niyang si Micaella Raz noong bumida ito sa Vivamax original series na Sex Hub. Doon siya marahil nagka-idea kung paano maging direktor si Direk Bobby.
“Sinabihan lang ako na, ‘Wag matakot. Gawin mo lang ’yong best mo,’” pagbabahagi pa ni Stephanie.
At dahil nagawa niya nang maayos ang mga bagay na hinihingi sa eksena, lubos daw siyang nagpapasalamat sa direktor.
“Hindi po ako magsasawang mag-thank you. Dahil sa inyo nagawa ko po ’yong best ko. Thank you sa tiwala n’yo,” saad pa niya.
Sa ngayon, ang Kahalili na raw ang pinaka-daring at pinaka-challenging na pelikulang nagawa niya.