Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
10 a.m. – FEU vs La Salle (m)
12 p.m. – Ateneo vs EAC (m)
2 p.m. – Mapua vs Lyceum (w)
4 p.m. – SSC-R vs Enderun (w)
Mataas ang kumpiyansa ng De La Salle University kung saan inaasinta nila ang sosyo sa liderato sa pakikipagtungali sa Far Eastern University sa V-League Men’s Collegiate Challenge ngayon (Linggo) sa Paco Arena sa Maynila.
Ang Green Spikers ay sasakay sa tagumpay na kanilang sinimulan noong opening day kung saan ginulantang nila ang University of Santo Tomas.
Gusto ng La Salle na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan sa pagharap sa Tamaraws sa pagbubukas ng apat na naka-schedule na laro simula 10 a.m.
Samantala, bubuksan naman ng Ateneo de Manila ang kanilang kampanya sa ganap na 12 p.m. laban sa Emilio Aguinaldo College.
Galing ang La Salle sa mahirap na 26-28, 25-18, 28-26, 25-21, panalo kontra sa Golden Spikers noong Biyernes, para ianunsiyo ang hangarin nilang magingay sa torneong ito.
Ang team captain ng La Salle na si JM Ronquillo ang siyang namuno sa opensa ng Taft-based spikers kung saan mayroon siyang 27 points, kabilang na rito ang 23 kills.
Ang reigning National Collegiate Athletic Association champion na University of Perpetual Help System DALTA ay kasalukuyang solo sa liderato na may 2-0 win-loss record.
Inaasahang muli ng La Salle si Ronquillo at tutulungan naman nina JJ Rodriguez, national team standout Noel Kampton, Vince Maglinao at Uriel Mendoza.
Pero sa kanilang huling laban, may kabuuang 31 errors ang naitala ng La Salle, at isa ito sa mga bagay na kanilang ingatan, ayon kay assistant coach Jose Roque.
“It can’t be helped but if we could cover that up with our blockings and in terms of attacking as well as service, we’ll be OK,” ang sabi ni Roque.
Hangad naman ng FEU ang makaresbak kung saan galing sila sa 22-25, 22-25, 19-25, na pagkabigo sa mga kamay ng National University Bulldogs noong Miyerkules.