Hinimok ang Office of the Ombudsman ang Commission on Audit (COA) na kumilos kaugnay sa reklamong kinasasangkutan ng mga dati at kasalukuyang opisyal ng Light Rail Transit Authority (LRTA).
May mga iregularidad umano sa isang multi-million propulsion at monitoring system project para sa LRT 2 train sets, ayon sa anti-corruption group.
Inendroso ni Assistant Ombudsman Atty. Pilarita T. Lapitan ang kaso laban kay LRTA Administrator Hernando Cabrera, Philippine National Railways General Manager Jeremy Regino, kasama din sina Santos Abrazado, Paul Chua, Jose Jobel Belarmino, Federico Canar, Jr., Cesar Legaspi, Hilfred Tusing, at Aylwinston Pillos.
Noong 15 Agosto, natanggap ng Office of the President ang reklamo kasama ang mga internal na dokumento ng LRTA na ibinigay ng mga kinauukulang empleyado.
Isinumite ang ebidensya ng umano’y pagsasabwatan sa mga opisyal at supplier na sangkot.
“These documents show how these officials and suppliers had conspired in their criminal conduct. In one transaction alone, wherein such criminal conduct violated the guidelines in the implementation of government contracts, the LRTA incurred losses that amounted to hundreds of millions of precious rail revenues of the LRT2 system just to give undue benefits to LRTA suppliers.”
Nakatanggap din ng kopya ang Controlled Corporations Chairperson na si Marius Corpus.
Idinetalye din sa reklamo kung bakit naging hindi panor para sa gobyerno ang halaga ng “upgrade works”.
Ang mga gastos sa ilalim ng kontrata sa mga Ramoses ay mas mababa kumpara sa mga gastos na sa mga “upgrade” works.
Nabatid na may mga dokumento mula sa mga hindi nagpakilalang empleyado ng LRT na nagsiwalat ng sabwatan sa mga respondent ng LRT.
Ipinadala din sa Department of Transportation secretary Jaime Bautista ang Ombudsman complaint para sa karagdagang aksyon.