Dead on arrival ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa Vitas, Tondo kamakalawa ng madaling araw.
Wala umanong pagkakakilanlan ang suspek maliban sa mga tattoo nito sa katawan, ayon sa Homicide Section ng Manila Police District.
Tadtad ng saksak ang iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.
Nakita ng barangay tanod ang pananaksak na ginawa sa biktima.
“Lahat ng tama niya, puro fatal kasi ang lalim ning saksak niya na kanyang natamo,” ayon kay P/SMS Dennis Suba.
Nadampot ang suspek sa pamamagitan ng isang follow-up operation at kinilala ito ng barangay tanod na nakasaksi sa insidente.
Ayon sa suspek, hinoldap siya ng biktima at kinuha ang kanyang pera.
Ayon sa Raxabago Police Station, ang suspek ay notoryus sa droga at sa pagnanakaw sa lugar.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa pagkakakilanlan ng biktima.