Sa kabila ng paglalagak ng piyansa, sandamakmak na kaso pa rin ang haharapin ng aktres na si Awra Briguela.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN, sinampahan si Briguela ng mga kasong light threats, grave coercion, at violation laban sa Safe Spaces Act.
Noong 1 Hulyo, nagpiyansa at nakalaya ang komedyante sa kustodiya ng pulis matapos makipag-away umano sa isang bar sa Poblacion, Makati City.
Paliwanag ng mga pulis, hiniling ni Briguela sa isang Mark Christian Ravana na tanggalin ang kanyang t-shirt at nagsimulang makipag-away sa kanyang grupo sa labas ng bar.
Una siyang kinasuhan ng physical injuries, direct assault, alarm and scandal at disobedience to person in authority.