Maluha-luha ang aktres na si Charlie Dizon ng ipagmalaki niya na malaking surpresa daw ang aktor na si Carlo Aquino sa buhay niya
Sa isang panayam ng magkasintahan sa morning program na “Magandang Buhay,” inamin ng aktres na iwas na iwas siya dati kay Aquino.
Ngunit sa kabila ng namumulaklak na pagmamahalan, kapalit ng relasyon nila ni Dizon ang relasyon niya sa kanyang dalawang taong gulang na anak na si Mithi.
Noon lamang nakaraang taon ay kinumpirma ng dating live-in partner ng aktor na si Trina Candaza na wala na sila ng aktor, ngunit hindi siya nagbanggit ng mga pangalan.
Matatandaan din na may namuong pagtitinginan sa pagitan ni Aquino at ang aktres na si Angelica Panganiban noong ginagawa nila ang pelikulang “Exes Baggage” taong 2018.