Hinatulang guilty ang isang ina sa pagpatay sa tatlo niyang anak na batang babae, matapos ang isang buwang nakapanlulumong paglilitis sa New Zealand.
Inakusahan si Lauren Dickason nang pananakal hanggang mapatay ang kanyang kambal na anak na sina Maya at Karla, 2-anyos, at kanyang panganay na si Liane, 6-taong gulang, habang ang kanyang mister ay nasa dinner kasama ang co-workers, ayon sa ulat.
Inamin ni Dickason ang pagpaslang sa kanyang mga anak, ngunit ginamit ang dahilan na pagkabaliw o insanity at infanticide.
Sa ilalim ng New Zealand law, infanticide ay depensa ng isang ina na naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang anak at sa panahong nangyari ito ay wala siya sa wastong pag-iisip.
Pinatay ang mga biktima sa kanilang bahay sa South Island city Timaru matapos dumating ang kanilang pamilya sa New Zealand mula sa South Africa.
Senentensyahang guilty ng jury sa Christchurch High Court si Dickason sa kasong three counts ng murder na may parusang sampung taong pagkabilanggo.
“Words cannot begin to express the tragic circumstances of this investigation,” sabi ni Detective Inspector Scott Anderson
Sa naging emosyonal na paglilitis, kapwa naniniwala ang prosecution at defence lawyers na si Dickason ay may diprensya sa pag-iisip nang patayin ang kanyang mga anak.
Ngunit magkaiba sila ng paniniwala kung ang estado ng mental health ni Dickason nang gawin ang krimen ay masasabing hindi talaga niya alam ang kanyang ginagawa.
Sa hukuman, sinabi ni crown prosecutor Andrew McRae na matinding galit ang nagtulak kay Dickason upang isagawa ang karumal-dumal na krimen.
Para sa abogado ni Dickason na si Kerryn Beaton, ang malalang pagkabaliw ng kanyang kliyente ang talagang sanhi kaya niya nagawa ang pagpatay sa mga anak.