Sinampahan ng kaso ang isang lasing na judge mula sa California nang pamamaril sa kanyang misis.
“I won’t be in tomorrow. I will be in custody,” ipinadalang text message ng suspect na si Judge Jeffrey Ferguson sa kanyang kaibigan matapos paslangin ang kanyang asawa.
Napaulat na nagmamay-ari ng ilang dosenang baril at 26,000 rounds ng ammunition si Ferguson sa kanyang bahay nang datnan ng mga pulis at ang duguang bangkay ng kanyang misis na may tama ng bala sa dibdib.
Sinabi ng prosecutors na si Ferguson, 72, na mula sa Orange County Superior Court, ay amoy alak nang dakipin ng mga pulis.
Bago ang insidente, narinig umano na nagtalo umano sina Ferguson at kanyang misis na si Sheryl, habang naghahapunan sa isang restaurant malapit sa kanilang bahay sa Anaheim suburb.
Nagpatuloy ang kanilang argumento hanggang makauwi sila bahay at doon na binaril ni Ferguson si Shirley.
Mismong si Ferguson ang tumawag sa 911 at humiling ng responde ng isang paramedic dahil nabaril ang kanyang asawa.
“I just lost it. I just shot my wife. I won’t be in tomorrow. I will be in custody. I’m so sorry,” ipinadalang text message ni Ferguson sa kanyang clerk of court.
Sa paghahalughog sa kanyang bahay ng mga awtoridad, natagpuan ang 47 armas, lahat ay lisensyado.
“We want to be clear this was an unintentional, accidental shooting and not a crime,” sabi ng kanyang abogadong si Paul Meyer.
Pansamantalang pinalaya ng hukuman si Ferguson matapos maglagak ng piyansa at inutusan siyang huwag nang uminom ng alak. Sa 30 Oktubre ang susunod na pagharap niya sa korte.