Lumalala ang drug cartel-related violence matapos matagpuan ang 13 bangkay sa loob ng freezers sa Mexico.
Anim na suspects ang ikinulong makaraang matuklasan sa siyudad ng Poza Rica ang karumal-dumal na krimen, ani prosecutor Veronica Hernandez sa media.
Nadiskubre ang mga labi nang habulis ng mga pulis ang isang suspect na nagtago sa gusali na kinasasadlakan ng tatlong kidnap victims, batay sa ulat ng Agance France Press.
Dahil dito, nagsagawa ng operasyon sa lugar ang mga pulis at natagpuan ang mga labi sa iba pang mga lokasyon.
Kilala ang Veracruz bilang pinakamasahol na rehiyon sa Mexico dahil sa labanan ng magkakatunggaling gangs para makontrol ang ruta ng drug trafficking patungo sa United States.
Naitala sa Latin American nation ang mahigit sa 400,000 murders mula ilunsad ang kontrobersyal na military anti-drug offensive noong 2006.
Nairehistro rin ang mahigit sa 110,000 disappearances mula noong 1962, na karamiha’y kagagawan ng criminal organizations.