Reunited ang dating magka-love team na sina Bea Alonzo at ang aktor na si Dennis Trillo sa teleseryeng “Love Before Sunrise.”
Sinabi ng aktres sa isang panayam ng PEP.ph na nakapagsimula na sila sa taping ng nasabing teleserye.
Dagdag din ni Alonzo, lilipad sila patungo sa Canada upang kunan ang ilang eksena.
“Napakaganda ng mga eksena na isinulat na
magaganap sa Canada. So, hopefully, wala talagang maging aberya,” aniya ng aktres.
Ibinahagi din ni Alonzo na mabibigyan siya ng pagkakataon na makasama ang kanyang mga tagahanga sa Canada dahil sa binabalak na show ng GMA Pinoy TV sa bansa.
Kasama si Alonzo at Trillo sa Star Circle (ngayong Star Magic) Batch 10 at una silang pinagtambal sa sa TV series na “K2BU” noong taong 2002.