Ginamit umanong gimik ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Taguig City ang programang Brigada Eskuwela para sakupin ang Tibagan High School sa Barangay East Rembo, Makati City.
Kasama rin ng grupo ang mga pulis-Taguig at ipinakita ang kautusan mula sa Department of Education (DepEd) ngunit ang kinakailangang writ of execution mula sa hukuman para maipatupad ang desisyon ng Korte Suprema na ang 10 enlisted mens barrio (EMBO) sa Makati City ay sakop na ng Taguig City.
Madaling araw pa lamang ay nagdatingan na ang mga umano’y volunteers ng Taguig DepEd District kasama ang mga kagawad ng Public Order and Safety Office (POSO) bagama’t nakaantabay naman ang mga Bantay Bayan, Public Safety Department at mga volunteers na nakabantay sa Tibagan High School.
Nagbigay naman ng instruction ang principal na si Ms. Eden Samadan sa mga nagdatingan na mga volunteers na magsasagawa ng umano ay Brigada Eskwela ngunit ito ay takeover ng mga paaralan.
Kasama rin nila ang mga pulis Taguig na umano ay nakatanggap ng order mula kay PCapt. Jeremy P. Paat, chief patrol operations section ng Taguig City police.
Sa labas naman ng mga paaralan ay malungkot na nagbabantay ang mga residente na nagpunta dahil ssa enrolment ngunit hindi makapasok.
Kaugnay nito, tinanggihan ng Taguig City ang alok ng Makati City sa mga estudyante mula sa EMBO barangay na school supplies.
“We have offered an arrangement that would benefit the students. But Taguig rejected it,” sabi ni Makati City Administrator Claro Certeza.
Kabilang sa mga paaralan sa Makati City na napabilang sa masasakop ng Taguig City batay sa desisyon ng Korte Suprema ay ang Fort Bonifacio Elementary School, Cembo Elementary School, South Cembo Elementary School, Pitogo Elementary School, East Rembo Elementary School, Rizal Elementary School, Comembo Elementary School, West Rembo Elementary School, Pembo Elementary School, Makati Science High School, Benigno “Ninoy” S. Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio High School, at Pitogo High School.