Hinimok ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na gumamit ng kamay na bakay sa Philippine National Police (PNP) sa gitna ng mga kaso ng impunity at posibleng kalupitan sa pag-asang makakalikha ito ng fear factor o takot sa mga kapulisan.
Ikinalungkot ni VACC president Arsenio Evangelista na ang mga pulis ay sangkot sa mga kaso ng illegal drugs at iba pang krimen at nagawang ma-reclaim ang mga kalye sa Maynila.
Pahayag ito ni Evangelista kasunod ng pagpaslang ng 6 na pulis sa 17-anyos na binata sa Navotas City na isa umanong kaso ng mistaken identity.
Nangako PNP na hindi nila pagtatakpan ang naturang kaso dahil isasailalim sa imbestigasyon ang mga sangkot na pulis.
Inihalimbawa ni Evangelista na sa pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tumino aniya ang mga kapulisan at mayroong climate of fear sa uniformed personnel