Kinuwestiyon ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa sa kanyang panukala na isama ang kababaihan sa pagsasanay sa ilalim ng Reserve Officers Training Corps (ROTC) bill.
Ayon kay Escudero, sa panahon niya lalaki lamang ang kinakailangang sumailalim sa lumang Citizen’s Military Training.
Walang datos aniya na nagsasabing ang mga babae ay magiging kapantay ng mga lalaki kapag sumali sa ROTC.
Sa panukala ni Dela Rosa,inuutusan ang lahat ng mga mag-aaral sa Higher Educational Institutions at Technical Vocational Institutions na dumaan sa basic military training para sila’y makapagtapos ng pag-aaral.