Naniniwala ang dalawang university professors na ang mga mapanganib na maniobra ng China sa West Philippine Sea ay may layuning subukan ang pasensya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“Every time there is a new administration, China is instigating a potential crisis. It is testing what kind of leader we have and what kind of people are surrounding him,” sabi ni Atty. Jay Batongbacal, University of the Philippines Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Director sa isang forum kahapon
Ang huling hakbang ng China ay isang pagtatangka na manipulahin ang Pilipinas sa pamamagitan ng mga estratehiya na kapaki-pakinabang sa Beijing.
Inihayag ni Marcos Jr. noong Miyerkoles na kung may dating komitment na ginawa ang Pilipinas sa China hinggil sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ay binabawi niya ito.
Pinuri ni political analyst at De La Salle University professor Renato de Castro si Marcos Jr. sa paninidigan na hindi tatanggalin ang BRP Sierra Madre.
“It boils down to the national determination. And I think the President has already implicated we will not abandon the BRP Sierra Madre. That’s the most important thing, the political decision to ensure that we maintain our presence over Ayungin Shoal,” giit ni De Castro.
Naniniwala siyang taktika ng China ang lumikha ng crisis situation sa ginawang pagharang at pambobomba ng tubig sa barkong arkilado ng Philippine Navy sa resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal upang ma-pressure ang Pilipinas at isadlak sa posisyong defensive.
“The Chinese do not do it on a basis of good faith. They always deal with crisis from the position of that faith. The crisis is not meant to resolve. The crisis is meant to put the other side on the defensive, to put pressure on you,” paliwanag ni De Castro.
Tinawag ni Batongbacal na isang “lie and gaslighting,” ang inilutang ng Beijing na may pangako ang Pilipinas na tanggaling ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
“We don’t believe that. We’ve been hearing that for a long time, but we haven’t been able to find anyone with authority who might have said that,” sabi ni Batongbacal.
“Definitely, it’s a lie, it’s gaslighting na tinatawag. Mapapansin niyo, madalas nangyayari iyan. Pinapaduda ka sa sarili mong posisyon by saying things,” dagdag niya.
Nakahanda ang PCG na gumamit ng mas malalaking barko kapag muling nag-escort sa resupply mission sa BRP Sierra Madre, ayon kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela.