Ibinahagi ni Carla Abellana sa social media na ang pinakamahirap na aral sa buhay ay ang magpatawad sa isang tao na hindi naman nag-sorry.
“One of the hardest lessons in life is to forgive someone who was never truly sorry,” caption ni Carla sa ipinaskil na video sa Instagram.
Noong nakaraang Pebrero ay isang matalinghagang post ang ibinahagi ng aktres noong Araw ng mga Puso.
“I am okay,” sabi niya sa caption sa larawan ng isang bahay na kanyang ipinapatayo.
Sa isang reel kamakailan, sinabi ni Carla ang isang araw na hindi niya makakalimutan, ito ay nang isapubliko niya ang paghihiwalay ng dating asawang siTom Rodriguez.
Mula noo’y lagi siyang nagse-share ng posts kaugnay sa kanyang paghilom at self-love journey, kasama ang visual poem na may titulong “Mahinahon.”
Ginagampanan ni Carla ang papel ni Dr. Mary Ann Armstrong sa “Voltes V: Legacy.”