Nailigtas ang isang 8-anyos na batang babae kamakalawa matapos siyang kidnapin at isilid sa maleta sa Mandaue City sa Cebu.
“May mga kaunti dahil siguro noong pinasok siya sa bag kaya nagkaroon ng scratches, bruises dito (pulso),” sabi ni Mandaue City Police chief Police Colonel Jeffrey Caballes sa isang pulong balitaan.
Kinilala ang suspek na si Godiflor Rama, 32, caretaker ng apartment na tinitirhan ng pamilya ng biktima.
Nabatid na tanghali noong Huwebes, puwersahang tinangay ang biktima mula sa kanilang apartment sa Barangay Bakilid pero naiulat sa pulisya ganap na alas-singko na ng hapon.
“Three hours after the incident came to the knowledge of the operatives, an intricate rescue police operation was immediately conducted paving the way to the successful rescue of the victim and the arrest of the suspect,” anang PRO7.
Naibalik sa pangangalaga ng kanyang mga magulang ang biktima.
Habang si Rama ay nakapiit at inihahanda ng pulisya ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa kanya.