May nakitang sapat na ebidensya ang state prosecutors para magsampa ng mga kasong murder laban kay suspendidong Rep. Arnolfo Teves Jr. kaugnay sa naganap na tatlong insidente ng patayan sa Negros Oriental noong 2019.
Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang kaso ay nag-ugat sa inihaing reklamo noong Abril ng pamilya ng tatlong biktimang sina Michael Dungog, dating board member ng Third District ng Negros Oriental; Lester Bato, bodyguard ng isang mayoralty candidate sa lalawigan; at Pacito Libron, isang umano’y hitman na konektado kay Teves.
“After a comprehensive evaluation of the complaint and the presented evidence, the investigating panel of prosecutors determined that the evidence is sufficient to substantiate charges of three counts of murder,” sabi ng DOJ sa isang kalatas.
Noong nakaraang linggo ay binansagan si Teves ng Anti-Terrorism Council bilang isang terorista at leader ng umano’y armadong grupo.