Buena manong nagdaos ng premier night ang VivaMax movie na “Call Me Alma” sa pagbubukas ng 19th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa PICC kamakalawa ng gabi.
Kabilang sa cast ng sexy drama film sina Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn Jose, Azi Acosta, Gold Aceron, Aiko Garcia and Mon Confiado sa direksyon ni Mac Alejandre at isinulat ni National Artist for Film and Broadcast Arts Ricky Lee.
Matutunghayan ang pelikula sa VIVA platform simula sa 1 Setyembre.