Napanatili ng Club de Futbol Manila ang kanilang perpektong record sa Philippine Football League mata[pos makatabla laban sa Far Eastern University, 1-1, nitong Miyerkules ng gabi sa Rizal Memorial Sports Complex.
Isang header sa 95th minute ng laro ang nagsalba sa Club de Futbol Manila sa bingit ng unang pagkatalo, pero ang goal na ito ang nagtakas sa kanila sa laro kontra sa reigning champion ng UAAP na FEU.
Nanatiling walang talo ang CF Manila matapos ang apat na laro kung saan nakakuha sila ng tatlong panalo at isang tabla para sa 10 puntos na total.
Para kay CF Manila head coach Frank Muescan, naging pahirapan man sa kanila na makalusot laban sa FEU, pinuri naman niya ang character ng kanyang koponan.
“We simply refused to give up,” ang sabi ni Muescan. “I like the attitude displayed by our team. For the most part, we were having a difficult time scoring a goal, but our patience paid off.”
“I told them we’ll just make a difference and control the tempo. We had the number advantage.”
Magbi-break ng tatlong Linggo ang CF Manila para makapaghanda sa kanila final match sa group stages kung saan haharapin nila ang Kafa FC-Iloilo sa Setyembre sa Rizal Memorial Sports Complex.
Makakasagupa naman ng FEU ang Garelli FC sa 13 Agosto, 8 p.m. sa parehas na lugar ng paglalaruan.