Sa halip mailang, kursunada pang panoorin ng boyfriend ni sexy-drama actress Tiffany Grey ang kanyang daring scenes sa pelikulang “Kamadora.”
Ayon kay Tiffany, iba ang kanyang dyowang si Errol Alegre dahil talagang pinanood niya ang mga sexy scenes ng girlfriend at hindi umano ito nakaramdam ng awkwardness.
Kasama niya dumalo sa special screening ng sexy-suspense-thriller movie niyang “Kamadora” sa Quezon City si Errol.
“Kanina, pag may mga bed scenes, ganyan, sabi ko, ‘Wag ka manood. Wag manood. Don’t watch.’ Sabi n’ya, ‘Hindi, manonood ako. Ang ganda mo… I’ll watch you. You’re so beautiful.’ Hahaha!” natatawa niya.
Napurnada raw ang pagbabalik sa Guam ng US-born na si Errol nang makilala si Tiffany, ayon sa aktres.
“Taga-Guam s’ya. Pure Filipino s’ya pero doon s’ya lumaki, doon s’ya tumira. Parang gusto na nga n’yang bumalik pero hindi s’ya nakabalik kasi nga nagkakilala kami. Char! Hahaha!” humahalakhak na wika ni Tiffany.
Kasama rin sa “Kamadora” ni cult director Roman Perez, Jr. sina Victor Relosa, Armina Alegre, Junjun Quintana, at marami pang iba na mapapanood simula ngayon sa Vivamax.