“I’m not easily scared.”
Ito ang tugon ni Environment Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga sa pahayag ni Senator Cynthia Villar na takot siya sa mga maiimpluwensyang tao na nagsusulong ng Manila Bay reclamation projects.
“I don’t know many of you but you can ask the people who do know me, I’m not easily scared,” ani Loyzaga.
Naniniwala siya na nasabi lamang ni Villar iyon dahil sa pag-aalala sa epekto ng naturang mga proyekto kaya’t nagpapaslamat siya sa senadora.
“This is Senator Villar’s, I guess statement of concern regarding this very complicated issue. I’m very grateful for our interaction. Senator Cynthia and I have been conversing very deeply on this issue of reclamation and environmental impacts,” sabi ni Loyzaga..
Inihayag niya na lahat ng reclamation projects sa Manila Bay ay suspendido na.
“The declaration is really that all of these projects are suspended at this point. So all are under review, we have to take our time, really beginning with those that are ongoing because they’re in fact already impacting the areas and then we will graduate to all those in fact still not yet begun,” anang kalihim.
Isiniwalat noong Lunes ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. lahat ng reclamation projects sa Manila Bay ay suspendido maliban sa isang “under review.”
Hindi tinukoy ni Marcos Jr. kung alin sa mga proyekto ang suspendido ngunit sinabi niya ang pagkabahala na mawawala ang karagatan sa Roxas Boulevard bunsod ng reclamation projects.
Kaugnay nito, inihain ni ACT-CIS party-list Rep. at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang isang resolution na nagnanais na imbestigahan ang status ng Manila Bay reclamation projects.
Batay sa House Resolution 1171 ni Tulfon, gustong alamin kung may nakaambang panganib sa pambansang seguridad sa reclamation projects sanhi nang pagkakasangkot ng Chinese construction firms sa mga proyekto.
Nauna nang umalma ang US Embassy sa pagkadawit sa mga proyekto ng China Communications Construction Co., a firm cited by the World Bank and the Asian Development Bank for engaging in fraudulent business practices.