Isinumbong sa pulisya ng pitong finalists ng Miss Universe Indonesia ang organizers ng timpalak dahil sa pinuwersa umano sila na maghubad para sa isang body check
Isiniwalat sa isang press conference ng mga contestant na pinagburles sila ng organizers sa isang silid na may 20 katao sa loob, ang iba ay mga lalaki, para busisiin ang kanilang katawang kung mayt peklat, cellulite o tattoo.
Naganap anila ang insidente, dalawang araw bago ang coronation night sa Jakarta noong 3 Agosto.
Sa isang report ng Reuters, nabatid na ang limang contestants ay kinunan ng larawan habang topless, sabi ng abogado nilang si Mellisa Anggraeni.
Si PT Capella Swastika Karya, license holder ng MUI, ang naggiit umano ng body check, sinabi ni Anggraini sa Agence France-Press.
“The finalists were not aware that they would be subjected to such a procedure, as it was originally planned to be a fitting,” ani Anggraini.
Lahat aniya ng 30 finalists sa pageant ay isinailalim sa hindi inaasahang body check, at lima sa kanila’y kinunan ng pa ng larawan.
Maaari pa aniyang dumami ang mga magrereklamo at binigyan na siya ng kapangyarihan ng mga ito para iulat ang insidente.
Kinompirma ni Jakarta police spokesperson Trunoyudo Wisnu Andiko na may ikinasang police report kaugnay sa reklamo ng contestants at sinimulan na ang inbestigasyon ukol dito.