Patay ang dalawang tao at pito ang nasugatan sa naganap na pananaksak sa Yunnan province sa China kamakalawa.
Sa inilabas na kalatas ng Luoping County police, nakasaad na isang 20-anyos na lalaki na may history ng sakit sa pag-iisip ang sinaksak ang sariling ina sa kanilang bahay at tumakas at sunud-sunod na inundayan din ang walo pang iba.
“Among them, two people were unable to be saved and died,” sabi sa statement.
Ginagamot sa ospital ang pitong sugatan sa madugong insidente.
Kinilala ang suspect na may apelyidong Chen, at dinakip ng mga awtoridad matapos ang pag-atake na naganap dakong alas-otso ng umaga sa Lashan urban residential district.
“Investigation into the case and dealing with its aftermath are being conducted in an orderly and lawful manner,” anang pulisya.
Habang mahigpit ang pagkontrol sa China ng mga baril, dumami ang insidente ng pananaksak sa nakalipas na mga aton.
Noong nakaraang buwan lamang ay anim katao ang nasawi at isa ang sugatan sa knife attack sa kindergarten sa katimugang bahagi ng lalawigan ng Guangdong.