Tiyak na pinagtatawanan ng buong mundo ang Pilipinas, isang third world country, na gumagasta para sa 194 infrastructure projects at nagbayad ng P1.053 bilyon para sa isang IP address na umano’y “secured” ng Smartmatic bilang garantiya sa “accuracy” at “integrity” ng 9 May 2022 elections sa ilalim ng pamamahala ng Comelec, partikular ni Commissioner Marlon Casquejo.
Ang naturang IP address pala’y ginagamit sa buong mundo para sa routers, ito’y libre free at ang deployment nito’y hindi kinakailangan ng permiso mula sa international o regional regulatory body.
Pero, ang IP address 192.168.0.2 na ginawa raw ng mga genius ng Smartmatic bilang isang napakapribadong IP address na nagkakahalaga ng P1.053 bilyon na hindi alam ng PPCRV, Namfrel at advocates ng clean, honest, credible and fair elections, ay isang malupit na lihim.
Sa madaling salita, pandarambong sa pera ng bayan ang tunay na motibo ng mga utak ng scam na ito.
Puwedeng ma-access ang IP address sa pamamagitan ng admin usinggamit ang 192.168.0.2
Ang system ay gagana bilang isang private WiFi network na maaaring tukuyin ang lahat ng vote counting machines (VCMs) pati ang routers na ginamit para sa 20,300 VCMs noong 2022 elections.
Gaya ng mga naunang ulat, lahat ng grupong nagsusulong ng malinis na halalan noong 2022 ay hindi inimpormahan ng Comelec na ang “single, ultra-expensive P1.053 billion IP address” ang gagamitin para sa 20,300 VCMsnoong 9 May 9, 2022 elections.
“This omission is glaring since this address was not included in the End-to-End Transmission Path demonstrated by the Comelec in March 2022. to stockholders in March 2022. Comelec’s action opens its commissioners to impeachment since it is impossible for Smartmatic to devise the scheme without the indispensable cooperation of the poll body,” ayon sa isang observer.
Lumipas ang mahigit isang taon bago nabisto ng mga kritiko ang “secret deal” at matapos I-upload sa Comelec webiste ang raw files noong 23 Marso 2023.8.9
Kaya bilang Pilipino, kailangan hilingin natin ang isang complete audit sa 9 May 2023 elections dahil ang IP address 192.168.0.2 na nagsilbing hist sa 20 milyong boto ay transmitted noong 9 Mayo ganap na 8:02 p.m. at nagpalobo umano sa resulta ng 11 milyon para matupad ang inilakong survey results bago ang halalan.
Gusto ba nating maulit ito sa 2025 midterm elections at 2028 national polls?