Pinag-aaralan ng mga organizer ng taunang Soma Nomaoi festival sa Japan ang pagbabago ng petsa ng okasyon para sa susunod na taon matapos makaranas ng sunstroke ang mga kabayo.
Humigit kumulang 111 na kabayo at dose-dosenang tao ang kinakailangan ng agarang paggamot matapos pumalo ang temperatura ng 35 degrees na naitalang pinakamataas sa loob ng limang taon. Dalawang kabayo ang iniulat na namatay.
Ayon sa executive committee ng nasabing piyesta na si Yoshichika Hirata, nagwisik sila ng tubig sa track dahil inasahan nila ang malubhang init ng panahon.
“We used three water-sprinkler cars, but the water dried up quickly,” aniya.
Isang kabayo din ang iniulat na namatay sa naturang pagdiriwang noong nakaraang taon.