Tila malabo na ang pinapangarap na career sa Hollywood ni aktres na si Liza Soberano.
Opinyon ito ng batikang entertainment columnist/host na si Cristy Fermin matapos madakip ang manager ni Soberano na si Jeffrey Oh.
Tumaya aniya sa maling kabayo si Soberano.
“Nauwi sa wala ang pangarap ni Liza Soberano. Sinong magtutulay sa kanya sa Hollywood,” ani Fermin sa kanyang programang Cristy Ferminute sa Radyo Singko 92.3 kamakailan.
Ipinaaresto umano si Jeffrey ng ama ng kasosyo niyang si James Reid dahil nagnenegosyo sa Pilipinas kahit hindi rehistrado sa bansa ang kanyang kompanyang Careless Music na may tanggapan sa Poblacion, Makati City.
“Inakyat siya doon ng mga awtoridad dahil may mga reklamo laban sa kanya.”
Hindi umano nakakarating ang perang ipinangako ni Oh sa ka-sosyong si Reid.
Umuugong ang balitang madalas kasama ni Soberano si Oh sa Los Angeles at base sa mga nakakakita, sweet sila sa isa’t isa.