DESMAYADO ang beauty queen at GMA actress na si Bianca Manalo sa pangunguli ng kanyang followers kung kailan sila ikakasal ng nobyong si Senator Sherwin Gatchalian.
“It takes a long time to wait,” anang aktres noong nakaraang GMA Gala 2023.
“Why do I have to pressure myself, ourselves? Kasi pag nagkaroon ka ng expectations, lalo ka lang na disappointed. So huwag na lang kasi you’re creating a problem that’s not there,” aniya.
Sinabi din ni Manalo na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan ng nobyo ang pressure na nakukuha nila mula sa kanilang fans.
Binigyang-diin ng aktres na hindi sila nagmamadali sa pagpapakasal.
“As long as we’re happy. Ang daming kinasal, 3 months naghiwalay. Kinasal, 2 years naghiwalay. Hindi kami ganun, eh.”
Matagal bago isiniwalat nina Manalo at Gatchalian ang kanilang relasyon.
Noong 2019 Disyembre lang kinumpirma ng aktres sa yumaong columnist na si Ricky Lo ang mahigit isang taon na relasyon nila ng senador.