Talbog ang mga Bombay na sumikat sa 5-6 business sa isang mataas na opisyal ng government television network.
Nilayasan na raw ng matitinong empleyado ng network dahil hindi na matiis ang masahol pa raw sa hayop na asal ni TV exec.
Dahil kapos na sa empleyado, itinatambak niya ang mga trabaho sa mga naiwang kawani na hindi na magkandaugaga.
Ang masaklap pa raw, kuba na sila sa katatra baho, hindi pa sila makatanggi kapag inalok na mangutang ng TV exec na isa pa lang usurera.
“Talagang matatakot ka sa kanya kasi may alag ang baby as in baby armalite ang kanyang dyowa,” sabi ng Mimosa sa Barangay.
Sumikat daw kasi dati ang dyowa ni TV exec pero hindi sa kabutihan,kundi sa pamosong murder case kaya bahag ang buntot ng mga empleyado sa usurerang amo.
“Conjugal business” nila ang magpa-5-6 na bawal sa batas dahil hindi ipinahihintulot ang paggagmit ng posisyon para ilarga ang sariling negosyo.
Clue: Puhunan daw ni TV exec ang closeness niya sa “yaya” ng Bossing ng Bayan Mo.
“Ipinagdarasal namin sa Poong Maykapal na kalabitin siya para bumait,” ayon sa isang dis mayadong empleyado.
‘Yun na!