Natutuwa pala ang mga fans ng aktres na si Jennica Garcia sa tambalan nina Jennica at JC Santos sa hit teleserye “Dirty Linen:”na malapit nang magtapos bukod pa sa tandem nina Jennica at Christian Bables.
Sa kanyang IG, naglabas kasi ang aktres ng video saan inilibing nila ang mga namatay nilang kapamilya na talaga naming pinutakti ng comments.
“You have my heart mga ka-dirty. Salamat po sa pagtangkilik sa #DirtyLinen,” saad ni Jennica sa short IG video caption niya na ang daming nag-comment.
“Sana mgkaroon sa netflix hirap hanapin sa youtube ng mga episode eh. kulang kulang na. Will wait for this on netflix. Di ko mapanuod ngayon e.”
“Sana ma extend. Season 3 pls! So exciting!”
“Episode 1 pa lang nito traumatizing na for me hahahha feeling ko hindi ako makaka-move on sa tv series na to!!!!!”
“Huhu! Super galing mong umarte, mamsh! Natural na natural.”
“Ito yung eksena na sumasabog sa emosyon kahit walang linya. Tumatagos sa screen.”
Todo-todo na ang mga rebelasyon sa “Dirty Linen” matapos aminin ni Mila (Janine Gutierrez) kay Chiara (Francine Diaz) ang totoo niyang pagkatao at na magkapatid sila sa nalalapit na pagtatapos ng revenge drama series ng ABS-CBN.