Hindi dapat huminto ang Senado sa pagsasagawa lamang ng mga pagdinig sa kamakailang pagbaha sa maraming bayan ng Bulacan matapos magpalabas ng tubig ang National Irrigation Authority (NIA) mula sa Bustos Dam at nagdulot ng halos P1-bilyon na pinsala sa buong lalawigan, gaya ng pinatunayan ni Gov. Daniel. Fernando at Sen. Joel Villanueva, na mismong mga biktima ng baha.
Ang isyu ay kasing linaw ng tubig-baha mula noong sinubukan ni NIA acting chief Eduardo Guillen na kumawala sa gulo ng delubyo ng Bulacan, na nangangatwiran na ang protocol ay nakasaad na ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ay “kailangang ipalaganap ang impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng spilling ng dam. ”
At ikinambyo pa ang usapin:“Gusto ko lang i-point, Sir, hindi po ito reservoir dam. Ang Bustos Dam ay isang diversion dam. Talagang aapaw ito dahil wala siyang malaking reservoir.”
Sa puntong ito pa lang, dapat ay tinanong ng mga senador si Guillen: Sino ang nag-utos ng pagpapalabas ng tubig sa dam sa high tide? Ang NIA ang may kontrol sa Bustos Dam dahil ito ang pinagmumulan ng irigasyon ng Pampanga, Bulacan at Tarlac ngunit ang pagpapakawala ng tubig mula sa umaapaw na Bustos Dam sa high tide ay nasa kamay ni Guillen at dapat siyang sibakin sa puwesto dahil sa ginawa niya.
Parang nais ni Guillen na sisihin at ituro ang responsibilidad sa pagbaha sa Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) dahil sa hindi pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa mga spilling activities.
Gayunman, ang mga opisyal ng Bulacan sa pangunguna ni Gov. Fernando ang nagrereklamo sa tila hindi ipinaalam na “spilling activities.” Ito ay walang halong pagsisi sa biktima at paglilihis nang sisihin para sa isang tungkulin na tanging responsibilidad ng NIA.
Si Guillen, isang dating alkalde ng Piddig, Ilocos Norte na malapit daw sa mga Marcos at kay presidential legal counsel Juan Ponce Enrile at suportado ng isang politically-influential religious group, ay dapat panagutin sa naganp na delubyo sa Bulacan.
Walang kahit anong pagtuturuan ang magpapabago sa katotohanang nagdagdag ng malaking volume ang Bustos dam sa rumaragasang tubig-baha sa Bulacan na bumaha sa Marilao, Sta. Maria, Guiguinto, Balagtas, Malolos, Hagonoy, Calumpit, Paombong, Plaridel at naapektuhan pa ang NLEX dahil hindi makalabas ang mga sasakyan sa expressway at maglakbay sa mga binahang bayan at lungsod ng Bulacan.
Ang mga Bustos at Ipo Dam ay mga diversion dam na tumanggap ng tubig na tumatagas mula sa Angat Dam, na matatagpuan sa mas mataas na lupa, at nakatanggap ng tubig-ulan na higit sa 15 metro ng normal na kapasidad nito.
Maaaring ibuhos ng Angat ang tubig sa Bustos nang paunti-unti, na nagbibigay ng oras sa mas maliit na dam upang ayusin ang paglabas nito sa pamamagitan ng isang spillway o tunnels.
Malaki ang budget ng NIA para suportahan ang mandato nito at diumano, bilyun-bilyong piso ang gagastusin nito para sa patubig sa rehiyon ng Ilocos, partikular sa Ilocos Norte, kung saan nagtatayo ang mga magsasaka ng mga water impounding facility, partikular sa Piddig. Sa kabaligtaran, P800 milyon lamang ang inilaan para sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mabawasan ang pagbaha.
Ngayon na ang panahon para tanungin ng Senado si Sen. Mark Villar, na namuno sa DPWH sa ilalim ng administrasyong Duterte, kung ano man ang nangyari sa mga proyektong iyon.
Pustahan, hindi kukuha ng kredito si Sen. Mark Villar sa pagpapahinto sa mga proyektong iyon.