Isa ang nasawi habang nasagip ang mahigit 100 pasahero at limang crew ng isang motorbanca lumubog sa gitna ng dagat sa Romblon.
Ayon kay Corcuera Mayor Elmer Fruelda na nagmula sa Calatrava ang bangka at papuntang Simara Island ang ilang kabataan na dumalo sa isang summer youth camp ng simbahan sa bayan ng Odiongan
Nailigtas ng NDRRMO provincial government at Coast Guard ang iba pang mga sakay.
Anang alkalde, tinitingnan ng mga awtoridad ang anggulong overloaded ang bangka dahil nasa 60 hanggang 80 na katao umano ang kapasidad nito ngunit mahigit 100 ang sakay.
Sinabi ng Phil. Coast Guard, pasok ito sa passenger capacity ng bangka, ngunit inaalam pa kung may kinalaman ang bigat ng cargo ng motorsiklo kaya nabutas ang gitna ng bangka.