Humigit-kumulang 14 na katao ang iniulat na sugatan matapos manaksak ang isang lalaki malapit sa Seohyeon subway station sa Seoul, South Korea noong 03 Agosto.
Ang suspek, na pinaniniwalaang nasa bente anyos, ay inundayan ng saksak ang siyam na tao at nasugatan ang lima pang iba.
Ayon sa Yonhap News Agency, hindi bababa sa walo sa mga biktima ang nasa kritikal na kondisyon.
Sinabi ng pulisya hindi maintindihan ang pinagsasabi ng suspek nang siya’y makulong.
Isang kaparehong insidente rin ang nangyari sa South Korea noong 21 Hulyo na isang tao ang naiulat na patay at tatlo ang sugatan.