Hinatulan ng Baguio City Municipal Trial Court in Cities Branch 1 kahapon ang dalawang suspek sa pagkamatay ni Philippine Military Academy Cadet 4th class Darwin Dormitorio.
Ayon sa desisyon ni Presiding Judge Roberto A. Mabalot, ang dalawang suspek na kinilalang sina Cadet Third Class Julius Carlo Tadena at Cadet 2nd Class Christian Zacarias, ay napatunayang nagkasala.
Ang dalawang suspek na kinilalang sina Cadet Third Class Julius Carlo Tadena at Cadet 2nd Class Christian Zacarias ay napatunayang guilty of less physical injury at pinatawan ng 30 araw na pagkakakulong.
Inobliga sila ng hukuman na bayaran ng P100,000 bilang danyos ang pamilya ni Dormitorio at P50,000 bilang attorney’s fee.
Samantalang ang iba pang naakusahan na sina Capt. Flor Apple A. Apostol, Major Maria Ofelia R. Beloy, at Lt. Col. Caesar Candelaria ay ay inasuwelto sa kasong reckless imprudence resulting to homicide.
Ang 20-anyos na si Dormitorio ay namatay noong Setyembre 18, 2019 sa loob ng kuwartel ng mga kadete sa loob ng PMA sa Fort del Pilar, Baguio City noong 2019.
Ayon sa resulta ng autopsy, namatay siya dahil sa blunt force trauma at base sa imbestigasyon, biktima ng hazing at iba pang uri ng maltreatment si Dormitorio.