Siyam na patay na pawikan ang magkakasunod na natagpuan ng mga residente sa limang baranggay sa Romblon sa loob lamang ng anim na araw.
Ayon sa ulat ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Romblon, ang mga pawikan ay natagpuan sa barangay ng Agnipa, Agpanabat, Lunas, at Calabogo.
Anang officer ng MENRO na si Psyche Mariño, posibleng dynamite fishing ang dahilan ng pagkamatay ng mga pawikan dahil pare-pareho ang tama sa ulo ng mga ito.
“Almost everyday may inirereport sa aming mga patay na pawikan. Alam na ito ni Mayor at makikipagpulong na sa iba’t ibang concerned agencies kaugnay dito,” pahayag ni Mariño.
Wala pang pahayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Rombol ukol dito.