Preparasyon para sa kanyang role sa pelikula ang paggamit ni Kathryn Bernardo ng vape.
Dinepensahan ni Dolly de Leon si Kathryn matapos makatanggap ang aktres ng batikos sa kumalat na video na may hawak siyang vape.
Ayon kay De Leon, ang paggamit ng vape ni Bernardo ay preparasyon lamang para sa kanilang nalalapit na pelikulang “A Very Good Girl.”
Dahil sa pagkalat ng video, para kay De Leon ay tila naging “spoiler” ito ng kanilang pelikula.
“Kailangan niyang i-practice kasi hindi siya marunong mag-vape,” aniya.
Sa kabila nito, binigyang diin ni De Leon na hindi dapat batikusin si Kathryn kung talaga mang nagbe-vape ito labas sa pelikula dahil nasa tamang edad na ang aktres.