Lalo raw tumitibay ang illicit affair ng dalawang mataas na opisyal ng gobyerno.
Aba’y hindi maikukubli ni Lady Exec ang kislap ng kanyang mga mata nitong mga nakaraang linggo.
Kasi naman, aprobado ang niratsadang panukala ng kanyang Lover Boy na nagkakahalaga ng daan-daang bilyong piso.
“Ang sarap kurutin ng pinong-pino ng magdyowa na ‘yan na pahirap sa bayan,” gigil na wika ng Mimosa sa Barangay.
Hindi raw alintana ng magsing-irog na ang magbabayad ng kanilang proyekto ay mararanasan ng hanggang ilang henerasyon dahil ang mahalaga sa kanila’y maka-kickback at makapagtampisaw sa luho at kasalanan.
“Josmio kaya pala kahit kahawig ni Gollum si Lover Boy ay naaatim siya ni Lady Exec, paldo kasi si Sir,” natatawang sabi ng miron.
Pamilyado raw pareho ang lovers pero mahigit isang dekada na ang kanilang lihim na relasyon.
Clue:
Si Lover Boy ay hindi napasama sa kasong pandarambong ng isang dating mataas na opisyal ng bansa kahit isa siya sa bumubuo sa economic team nito.
Ang pagiging kunsintidor sa “plunderer” ay naging alas niya kaya humaba ang kanyang suwerte at naging paborito pa rin hanggang sa ngayon sa gobyerno.