“Stand with hotel workers and postpone your concerts.”
Hinikayat ng mga politiko na ipagpaliban muna ni Taylor Swift ang kanyang Los Angeles concert bilang pakikiisa sa strike ng hotel workers.
Pinirmahan ni Lt. Gov. Eleni Kounalaki at iba pang politiko ang isang open letter para kay Swift na nagsasabing nagiging doble o triple ang singil ng mga hotel sa rehiyon dahil sa concert niya.
“Hotel workers are fighting for their lives. They are fighting for a living wage. They have gone on strike. Now, they are asking for your support,” anila sa sulat.
Kasama sa sulat na maraming housekeepers at hotel workers ang hindi kayang tustusan ang rentang manirahan malapit sa kanilang trabaho kaya natutulog sila sa kanilang mga sasakyan.
Simula Huwebes, nakatakdang magsagawa ng 6 sold-out concerts si Swift sa SoFi Stadium malapit sa Los Angeles.
Ang mga representative ni Swift ay wala pang reply sa email ukol sa open letter na kasamang pumirma ang ilang mga politiko sa lungsod na sina Assembly Majority Leader Issac Bryan at state senators Dave Min at Maria Elena Durazo.