Humahangos ang batikang Mimosa sa Barangay sa ibubulalas daw niyang pasabog.
Isa palang kontrobersyal na TV program producer ang sangkot daw sa pag-e-export ng illegal drugs.
Kaya pala parang suntok sa buwan ang pinagsasabi niya sa mga interview kaugnay sa isyung kinasasangkutan ng kanilang programa sa telebisyon, hilo pala siya sa ‘lakas tama.’
Pero kwidaw kayo, matibay pa sa Great Wall of China ang pader na sinasandalan ni Mr. TV Produ.
“Paano naman nasabi iyan?” tanong ng isang miron.
Aba’y nasukol pala siya ng mga awtoridad noong nakaraang taon habang patakas kasama ang kasosyo sa illegal drugs business pero hindi siya ikinulong at kinasuhan.
Ang kanyang BFF cum kasosyo ang nakatikim ng selda pero sandali lang dahil isinalba raw ng kanilang ‘pader.’
Clue:
Kahit musmos pa ay mahilig na sa bala si Mr. TV Produ pero hindi naman siya mahilig makipagniig sa musmos gaya ng kanyang ama.
‘Yun na!