Hindi nagseselos ang aktor na si Jak Roberto sa tambalan ng kanyang nobya na si Barbie Forteza at David Licauco dahil ito’y ‘trabaho lang.’
Giit ng aktor, siya ay masaya at nagpapasalamat na maganda ang pagtanggap ng madla sa tambalang BarDa.
“Ako rin ay sumusuporta doon sa dalawa,” sabi ni Roberto.
Anang aktor, mas apektado pa ang kanyang supporters at nagugulat pa siya na nagtre-trending siya sa Twitter.
“Sila yung mas affected. Sobrang touched naman ako, ang dami nagmamahal sa akin,” aniya.
Nagdiwang noong Mayo 2023 ang magkasintahan ng kanilang 6th anniversary.