Binabantayan ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis at dengue dulot ng patuloy na pag-ulan at pagbaha sa bansa.
Mula 18 Hunyo hanggang 1 Hulyo, nakapagtala ang DOH ng 182 na kaso ng leptospirosis mula sa 128 noong nakaraang dalawang linggo.
Kabilang ang Central Luzon sa nagpakita ng patuloy na pagtaas ng mga kaso nitong nakalipas na anim na linggo na may naitalang siyam na kaso mula 2 to 15 ng Hulyo.
Nakapagtala rin ang ahensiya ng 9,486 na kaso ng dengue sa nagdaang tatlong linggo.
Lahat ng rehiyon ay tuluyang nagpakita ng pagtaas ng kaso ng dengue maliban sa Cagayan Valley, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at CARAGA.
Mula 1 Enero hanggang 15 Hulyo, 225 na ang namatay dahil sa leptospirosis at 229 dahil sa dengue.
Nagbabala ang DOH na maaari pang tumaas ang kaso ng leptospirosis at dengue dahil sa mga kasong hindi pa naitatala.