Kailangan munang isantabi ni Kai Sotto ang kanyang pangarap na makapaglaro sa National Basketball Association at mag-focus sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na FIBA World Cup.
Higit isang linggo simula nang makabalik sa Pilipinas matapos ang manakanakang pagkakataon na makapaglaro sa Orlando Magic sa nakaraang NBA Summer League, hindi pa nakakapag-ensayo ang 21-year-old, 7-foot-3 center na si Sotto dahil sa tinamong back spasm.
Patuloy ang pagri-rehab ni Sotto para makapagsimula nang mag-ensayo sa Gilas, pero tila nakukulangan si national team head coach na si Chot Reyes sa interest ng second generation cager na maglaro para sa bansa sa pinakaprestihiyoso at pinakamalaking basketball event sa buong mundo.
Sa isang television interview, ibinihagi ni Reyes ang pagkadismaya sa kakulangan ng commitment ng naturang player.
Bagamat may injury na iniinda gaya ng sinasabi ng kanyang kampo, hindi madalas magpakita sa ensayo si Sotto para ipamalas ang kanyang buong suporta sa koponan habang nagpapagaling sa injury.
Ilang miyembro ng koponan ng Gilas ang patuloy na nageensayo kahit pa man may iniindang mga injuries.
Nauna pang pumirma ng kontrata si Clarkson kay Sotto na nagtatangakang maging kaunaunahang full-blooded Filipino player na makapaglaro sa NBA, at nag-commit naman ang star player ng Utah Jazz na sasama na siya sa Gilas sa kanilang paglalaro sa China sa 6 Agosto.
Pero wala pa ring linaw kung kailan makakabalik sa ensayo si Sotto gayung sinabi naman ng doctor ng GiIas na wala silang nakikitang injury sa likod ng batang manlalaro sa kabila nang pagsasabi ng kabilang kampo na mayroon siyang back injury.
Pagkatapos ng ensayo ng Gilas bukas, tutulak na sa Martes papuntang China ang koponan kung saan lalabana nila ang teams ng Lebanon, Senegal at Iran mula 2 hanggang 6 ng Agosto
Sinabi naman ni Norman Black, isang PBA grand slam coach at naging head mentor rin ng Philippine team sa magkakaibang panahon, na kinakailangan na mag-focus ni Sotto sa paglalaro sa Gilas.
Batid niyang mataas pa rin ang pangarap ni Sotto na makapaglaro sa NBA, pero sa ngayon, mas importante sa kanya ang mag-concentrate sa Gilas at makapaglaro sa World Cup kung saan mayroon rin siyang pagkakataon na maipakita sa mga NBA scouts, mga NBA coaches at iba pang taga-sanay sa buong mundo ang kanyang kakayanan nilang isang manlalaro.
“All the coaches in the world are there watching, scouting every opponent and seeing every player. This will be a good opportunity for Kai to make an impact and create a good impression with them,” ang sabi ni Black. “If he does well in the World Cup, then he’ll have a chance of making it to the NBA.”
Pero bago siya makapaglaro sa World Cup, pinakaimportante pa rin ang makapagsensayo siya sa Gilas ayon kay Black.
“He needs to get back in training the soonest possible time, so he won’t be left behind,” dagdag pa ni Black. “Right now, the focus should be on Gilas and not in the NBA.”