Mukhang kumbinsido ang business groups sa bansa sa taktika ni Pangulong Ferdinand Bongbong” Marcos Jr. dahil naibsan ang kanilang agam-agam dahil sa pagbaba ng inflation rate.
Ayon sa mga negosyante ,nagawang pababain ni PBBM ang inflation mula sa 8.7% noong Enero 2023 sa 5.4% nitong Hunyo 2023, dahil sa ginawang pagbabawas ng transportation costs.
Ang pagpuri sa ginawa ng pangulo para maibaba ang inflation sa bansa ay kinabibilangan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry Inc. sa pamumuno ni George Barcelon; Philippine Exporters Confederation, Inc. na pinamumunuan ni Sergio Ortiz-Luis Jr.; Supply Chain Management Association of the Philippines sa ilalim ng liderato ni Dennis Llovido; American Chamber of Commerce of the Philippines Inc. President Frank Thiel; European Chamber of Commerce of the Philippines President Paulo Duartel at maraming iba pang organisasyon ng mga negosyante ang nakiisa sa hakbang ng pangulo.
Todo suporta ang mga negosyante sa inisyatibang ito dahil ika nga sila ang unang naapektuhan kapag mataas ang inflation, and of course, ang maliliit na mamayan.
Gayunpaman, meron naman silang tinututulan ang Philippine Ports Authority (PPA) Administrative Order (AO) 04-2021 na anila ay nagpapahirap sa ekonomiya ng Pilipinas
Hiling ng mga negsyante na kung maaari ay ipawalang-bisa ang kontrobersyal na kautusan ng PPA na “Trusted Operator Program-Container Registry and Monitoring System.
Dangankasi, ayon sa grupo ng mga local na lider negosyante kasama na ang economic managers, port industry stakeholders, transport and logistics association kung sakaling magpatuloy ang pag-iral ng TOP-CRMS ay delikadong mabura ang ginawang pagpapababa ng inflation sa bansa.
Pangunahin pala sa sumasalungat sa A0-04-2021 ay ang Semiconductors at Electronics Industries Phil. Foundation, Inc; Philippine Association of Multinational Companies Regional Headquarters Inc. at Philippine Coastwise Shipping Association Inc.
Siguro nasasaktan sila dahil sa regulasyon kaya sana tingnan din ang kanilang hinaing kung meron nga bang katotohanan o wala at kung meron ay dapat lamang na mabigyan ng tamang solusyon upang hindi maapektuhan ang pagsulong ng ating ekonomiya.
Tiniyak ng mga lokal at international na negosyante na kaisa sila ng Pangulo sa layuning masiguro ang seguridad sa pagkain at pagbabawas ng gastos sa transportasyon at logistics.
Mananatili silang nakabantay laban sa mga depektibong programa na hindi sang-ayon sa programang inilatag ng Pangulo dahil ito ay makakaapekto sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa.
Ayan, sana matingnan ng administrasyon ang hinaing na ito ng sa gayon ay maging maayos ang lahat at mawala ang agam-agam.