Nawindang ang netizens sa bagong Instagram post ni Mega Star Sharon Cuneta.
Makikita sa post ni Sharon na kasama niya sa isang party ang ilan sa cast ng Ang Probinsyano kabilang na si Coco Martin at Julia Montes.
Maliban sa mga artistang kasama niya, ang talagang nagpaintriga sa netizens ay ang malilit detalye sa mga larawan.
Namataan sa isang larawan ang pangalang “Popoy” na naka-display sa mesa.
Malinaw din na makikita sa isang litrato ang puti at asul na tema ng dekorasyon at malalaking teddy bears, na tila isang baby shower ang pinuntahang private event ng aktres.
Ang Instagram post na ito ni Sharon ay nagpainit sa spekulasyon ng mga tao na binyag ng diumanong anak nina Coco Martin at Julia Montes ang naging kaganapan.