Ang aktres na si Anne Curtis ang pangunahing “worst-dressed” sa katatapos na GMA Gala, ayon sa dalawang batikang entertainment writers.
“Mukha siyang walking lumpia wrapper,” sabi ni Showbiz Ultimate Maldita Alex Brosas sa D’TT Show, Tarayan at Talakayan Showbiz Edition na mapapanood sa Dyaryo Tirada Facebook page at Youtube channel sa Sabado alas-kuwatro ng hapon.
“Wala kang ganda that night,” giit ni Brosas.
Habang ang co-host ni Brosas na ang The Diva That You Love Alwin Ignacio ay naalibadbaran sa outfit ng aktres na si Ai-ai delas Alas na hindi raw bagay sa kanyang edad.
“Sobrang lalim ng kanyang V-neck, halos lumuwa na ang kanyang boobs,” ani Ignacio.
Kung nakaw-eksena aniya ang purpose ni Ai-ai ng gabing iyon, hindi niya ito na-achieve.
Si Alice Dixon naman ay mukha raw lechon belly dahil lumutang ang belly bulge sa kanyang attire.
Hindi nagpaawat ang dalawa sa pang-ookray at kahit si Alden Richards ay inilarawan na nagmukhang waiter kahit pa “LV” ang tatak ng kanyang suot at si Joshua Garcia naman ay ang kanyang junior waiter.