Kung niratsada ng Kongreso ang pagpasa sa Maharlika Investment Fund, dapat ay gawin din ito sa umento sa sahod.
Ito ang hirit ng mga militanteng grupong nagmartsa sa Commonwealth Ave. Sa Quezon City upang ihayag ang tinagurian nilang “Tunay na SONA.”
“Legislated because we want it to cover the entire workforce of the country. The P40 from the wage board is also not enough and covers only the workers of Metro Manila,” pahayag ni Raymond “Mong” Palatino, secretary general ng Bagong Alyansang Makabayang (Bayan).
“Insulto yan P40 from the wage board,” dagdag niya.
Inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo aniya ang pangunahing suliranin ng ordinaryong mamamayan at hindi ito kayang tugunan ng Kadiwa project ng administrasyong Marcos Jr.
“Inflation ang daing ng karaniwang tao. Mataas na presyo ng pagkain. Di ito makukuha sa pakadi-Kadiwa lang na iilan lang ang nakaka-avail. Di rin malulutas ng ayuda ang gutom,” sabi ni Palatino.
Ang P1,100 legislated wage increase ay makakaagapay na sa ‘’family living wage’wage hike ay noon pang 1989.
Bagsak na grado ang ibinigay ng Bayan kay Marcos Jr. kaugnay sa isyu ng nakabubuhay na sahod at ang panawagan nitong unity noong 2022 elections at bagong slogan na “Bagong Pilipinas” ay “superficial branding lamang.”
Habang para sa grupong Alyansa Tigil Mina (ATM) , sa isang taon sa poder ay hindi inaksyonan ng Pangulo at ni DENR Secretary Toni Yulo-Loyzaga ang mga panawagan ng mga komunidad na apektado ng pagmimina, partikular ang mga residente ng Sibuyan Island, Romblon at Brooke’s Point, Palawan.
“Fact is, mining operations continue in both regions and the respective Mineral Production Sharing Agreements (MPSAs) of Altai Philippines Mining Corporation in Sibuyan and Ipilan Nickel Corporation in Brooke’s Point have not been cancelled,” anang ATM sa isang kalatas.
Lahat aniya ay ginawa ng ATM upang maiparating sa gobyernong ito ang kanilang mga kahilingan ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring imbestigasyon ang isinsagawa, tuloy ang mining operations at hindi kinansela ang mining contracts.
“Worse, while the demands of mining-affected communities are ignored, mining companies are given headway in their operations.
and Brooke’s Point, and other sites of struggles. We also urgently call for a comprehensive review of seabed quarrying and offshore mining activities and a halt to the operations in Manila Bay,”paliwanag ng grupo.
“We do not want to waste more time waiting. The time to act is NOW.
Pagkatapos ng usapan, Aksiyon Ang Kailangan!”