HINDI dadalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikalawang State of the Nation Address ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Kinompirma ito ni Sen. Christopher “Bong” Go .
“Di yata. Galing po siya sa China, medyo pagod. Nasa Davao po siya… Kakarating lang niya nu’ng Sabado,,” ayon kay Go sa ambush interview sa pagbubukas ng Second Regular Session ng19th Congress sa Senado.
Hindi rin nagpunta si Duterte sa unang SONA ni Marcos Jr. noong nakaraang taon.
Matatandaang noong nakalipas na linggo ay nagtungo si Duterte sa Beijing at nakipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.
Napaulat na kasama ni Duterte nagpunta sa China sina dating Executive Secretary Salvador Medialdea at Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy.
Wala pang inilabas na statement ang dating Pangulo sa naging agenda ng kanilang meeting ni Xi.